Rayver, masama ba ang loob kay John Prats?
Ayaw magsalita ni Rayver Cruz laban kay John Prats kahit pa malaking issue para sa iba ang diumano’y pagkakaetsapwera niya sa buhay ngayon ni Shaina Magdayao. Marami kasi ang nagsasabing ginulo umano ni John ang love team nila ni Shain pati na rin ang pangliligaw niya sa dalaga. Hindi rind aw niya magagawang bantaan na saktan si John gaya ng lumalabas sa press na kesyo gusto niyang suntukin ito dahil sa galit niya. May alingasngas kasi ngayon na tila mabubuwag na ang love team nila ni Shaina at matatagalan pang masundan ang team up nila from ‘Bahay Kubo’ ng Regal Films.
Aware na rin si Rayver na by next year, hindi na sila magkakalove team ni Shaina dahil kay Maja Salvador na siya ipapartner sa upcoming remake ng ‘Annaliza’ over Channel 2. Gentleman din niyang tinanggap ang pagpasok sa eksena ni John at nirerespeto niya ang kung anumang desisyon ni Shaina na may kinalaman sa pangliligaw niya rito.
Continue reading at Yehey Celebs!

